Mayor Isko susuriin ang infra projects na tatama sa mga pribadong ari-arian

By Angellic Jordan October 03, 2019 - 01:37 AM

Nangko si Mayor Isko Moreno na rerebyuhin ang mga infrastructure project ng pamahalaang lungsod ng Maynila na nakakaapekto sa mga pribadong ari-arian.

Sa isang dayalogo, humingi ng tulong ang ilang grupo kay Moreno dahil apektado na ang kanilang mga bahay at iba pang pribadong ari-arian ng dalawang mayor infrastructure project sa lungsod.

Ito ay ang North-South Railway Project ng Department of Transportation (DOTr) at NLEX-SLEX Connect Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ani Moreno, kakausapin niya ang University of the Philippines (UP) para magsagawa ng restudy sa mga proyekto.

Tiniyak din ng alkalde sa mga residente na gagawa ng aksyon ang Manila City Council ukol sa kanilang hinaing kasama na ang pagsusumite ng formal position paper sa Office of the Vice Mayor.

Ilan sa mga dumalo ay Sampaloc People’s Alliance, Paco People’s Alliance, Tondo People’s Alliance at Samahan ng mga Apektadong Pamilya sa Balic-Balic.

 

TAGS: dotr, DPWH, infra project, manila, Mayor Isko Moreno, NLEX-SLEX Connect Project, North-South Railway Project, pribadong ari-arian, University of the Philippines, dotr, DPWH, infra project, manila, Mayor Isko Moreno, NLEX-SLEX Connect Project, North-South Railway Project, pribadong ari-arian, University of the Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.