Malakanyang nakisimpatiya sa sunog sa Star City, DZRH

By Chona Yu October 03, 2019 - 01:07 AM

Pasay City C3 photo

Nakisimpatiya ang palasyo ng malakanyang sa Manila Broadcasting Company (MBC) matapos matupok ng apoy ang Star City at maaapektuhan ang ang operasyon ng AM radio station na DZRH.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, nakalulungkot ang nangyaring sunog lalo’t palapit na ang panahon ng Pasko.

Hindi maikakaila ayon kay Panelo na isa ang Star City sa mga paboritong pasyalan ng pamilyang Filipino tuwing Pasko.

Kasabay nito, nanawagan ang palasyo sa ibat ibang sangay ng pamahalaan na ayudahan ang MBC.

Kaisa aniya ang palasyo sa MBC sa naganap na trahedya.

 

TAGS: DZRH, mbc, nakisimpatiya, Pasko, Presidential spokesman Salvador Panelo, Star City, sunog, DZRH, mbc, nakisimpatiya, Pasko, Presidential spokesman Salvador Panelo, Star City, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.