Hindi makatwirang presyo ng petrolyo iimbestigahan sa Kamara

By Erwin Aguilon October 02, 2019 - 07:11 PM

INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ”

Isinusulong ngayon sa Kamara ang resolusyon upang imbestigahan ang posibleng pagmamanipula sa presyo ng mga produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Sa House Resolution 390 na inihain ni Marikina City Rep. Stella Quimbo, nais nitong ungkatin ang dahilan ng biglang pagsipa ng presyo ng langis nuong nakaraang linggo.

Sinabi ni Quimbo na noong September 23 ay inihayag ng oil companies sa Senate Committee on Energy na sapat ang kanilang suplay at handa ring bumili ng langis sa ibang bansa maliban sa Gitnang Silangan upang hindi maapektuhan ng drone attack sa oil facility ng Saudia Arabia ang presyuhan nito.

Isa rin sa tinukoy ni Quimbo na dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa ay ang hindi tamang paggamit ng pricing formula ng DOE.

Base sa Department of Energy memorandum circular, dapat ay mayroong imbentaryo ng suplay ang mga kumpanya ng langis para sa minimum na labing-limang araw.

Ang lahat naman ng refinery ay kailangang may minimum na pang tatlumpung araw na suplay.

Sa ilalim ng pricing policy ng DOE, pinahihintulutan ang oil companies na mag-adjust ng kanilang gasoline prices kada linggo.

Iginiit nito na hindi nakakabuti sa mga konsyumer dahil maaaring kada linggo ay gumalaw ang presyo ng petrolyo kahit hindi naman weekly bumibili ng langis ang oil companies mula sa ibang bansa.

TAGS: DOE, quimbo, saudi arabia, DOE, quimbo, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.