Labi ng OFW na nasawi sa cardiac arrest sa Dubai darating sa bansa ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2019 - 06:03 AM

Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw ang mga labi ng 27 anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) na nasawi sa Dubai.

Inatake sa puso si Ma. Monica Manuel na nauna nang na-diagnose sa stage 4 liver cancer noong nakaraang Agosto.

Ayon sa kaniyang ina na si Rita Manuel, noong Hulyo ay nagkausap sila ng anak at sinabing mayroon itong trangkaso.

Sinabihan pa umano niya ito na umuwi na lamang muna sa Pilipinas para makapapa-check up.

Pero nagpasya si Monica na tapusin ang kaniyang kontrata na dapat sana ay hanggang Nov. 11.

Nang makaramdaman ng pananakit sa kanang bahagi ng tiyan doon na nagpasyang magpatingin si Monica kung saan nakitaan siya ng bukol sa kaniyang atay.

September 27 nang masawi si Monica dahil sa cardiac arrest.

Sa Clark International Airport darating ang mga labi ng OFW.

TAGS: cardiac arrest, dubai, monica manuel, ofw, Radyo Inquirer, repatriation, stage 4 liver cancer, cardiac arrest, dubai, monica manuel, ofw, Radyo Inquirer, repatriation, stage 4 liver cancer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.