South Korean fighter jets lumipad sa mga islang inaangkin din ng Japan
Nagsagawa ng patrolya ang fighter jets ng South Korea sa mga islang inaangkin din ng Japan ayon kay South Korean President Moon Jae-In.
Sa tatlumpati ni Moon sa founding anniversary ng South Korean military, kinumpirma nito ang paglipad ng F-15K sa disputed islands na tinatawag na Dokdo sa Korea at Takeshima naman sa Japan.
Ang F-15K ang sinasabing most powerful fighter-bomber sa Northeast Asia.
“Just a moment ago, the F-15K, the most powerful fighter-bomber in Northeast Asia, has returned from completing a patrol mission over our land Dokdo… without any problems,” ani Moon.
Wala mang direktang pasaring sa anumang bansa, sinabi ni Moon na ang security climate sa kasalukuyan ay hindi na matiyak kaya’t kinakailangan ang pagpapalakas sa militar.
“As the recent drone attack in the Middle East region demonstrated to the world, the challenges that we will face will be entirely different from those of the past,” ani Moon.
Sa nasabi ring pagdiriwang pinasinayaan ng South Korean air force ang bagong biling F-35A stealth fighter jets mula sa Estados Unidos.
Inaasahang magpapalaki pa sa lamat sa relasyon ng dalawang bansa ang hakbang ng South Korea.
Tumawag na si Japanese Foreign Ministry’s Asian and Oceanian Affairs Bureau director-general Shigeki Takizaki sa envoy ng South Korea sa Tokyo para iprotesta ang pagpapalipad ng jets ng Seoul.
Ayon kay Takizaki, bahagi ang mga isla ng Japan batay sa kasaysayan at international law.
Hindi naman mawari ni Defense Minister Taro Kono ang ginawa ng South Korea gayong kaisa umano ng Seoul ang Japan sa pagtindig laban sa North Korea.
“Anyone can see that Japan and South Korea must cooperate in ensuring security (against North Korea), so I wonder whether the defense authorities should have taken such action,” ani Kono.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.