Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Ilocos Norte alas-4:34 Miyerkules ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong pitong kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos.
May lalim ang pagyanig na 17 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang Instrumental Intensity III sa Pasuquin, Ilocos Norte at Instrumental Intensity I naman sa Laoag City.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.