Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental ala-1:37 Miyerkules ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 110 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.
May lalim ang pagyanig na 25 kilometro.
Wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershock.
Sinabi ng Phivolcs na ang lindol ay aftershock pa rin ng magnitude 6.4 na lindol sa lalawigan noong September 29.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.