2 bayan sa Davao Occidental niyanig ng lindol
Niyanig ng magkahiwalay na lindol ang dalawang bayan sa Davao Occidental, Martes ng hapon.
Sa impormasyon ng Phivolcs, unang tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa 149 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 4:48 ng hapon.
May lalim ang lindol na 26 kilometers at tectonic ang origin.
Samantala, yumanig naman ang kaparehong lakas ng lindol sa 131 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 6:09 ng gabi.
61 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Kapwa naman walang napaulat na pinsala sa dalawang lindol.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.