Albayalde binuweltahan si Magalong ukol sa ‘selective cleansing’ sa PNP

By Angellic Jordan October 02, 2019 - 12:19 AM

Binuweltahan ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na dapat gumawa na ng aksyon si dating CIDG director at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong ukol sa umano’y ‘selective cleansing’ sa PNP.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, araw ng Martes, inihayag ni Magalong na mayroong “selective cleansing” sa PNP dahil sa hindi pag-dismiss sa 13 pulis-Pampanga na sangkot umno sa pag-recycle ng droga.

Ayon kay Albayalde, dapat ginamit ni Magalong ang kaniyang “power” at “authority” bilang CIDG director para maresolba ang isyu.

Matapos ang anim na taon, lumutang aniya muli ang kontrobersya at hindi aniya niya alam kung anong gusto palabasin o patunayan ni Magalong.

Gayunman, sinabi ng PNP chief na mayroon silang mga dokumento na magpapatunay na seryoso ang kanilang kampanya kontra sa ilegal na droga at police scalawags.

 

TAGS: authority, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, drug recycling, PNP, PNP chief General Oscar Albayalde, police scalawags, power, selective cleansing, authority, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, drug recycling, PNP, PNP chief General Oscar Albayalde, police scalawags, power, selective cleansing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.