Lalaki nailigtas matapos tumalon mula sa sinasakyang barko sa Romblon

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2019 - 09:42 AM

Nailigtas ng mga otoridad ang isang lalaki makaraang tumalon mula sa sinasakyang barko sa karagatang sakop ng Romblon.

Sa ulat na nakarating kay B. Gen. Rwin Pagkalinawan, direktor ng PNP-Maritime Group isang 53 anyos na lalaki ang tumalon mula sa MV St. Michael the Archangel habang naglalayag sa karagatan ng Sibuyan, Romblon, Lunes (Sept. 30) ng hapon.

Ang barko ay galing Maynila at patungong Zamboanga.

Agad namang nakapag-alarma ang barko at nagawang mabilis na makaresponde ng mga duty sea marshall mula PNP-Maritime Group at Coast Guard Special Operations Force.

Ligtas na naiahon sa dagat ang lalaki na ayon sa mga rescuer ay nakitaan ng pagkabalisa at depresyon.

Hindi naman nagtamo ng anumang pinsala sa katawan ang lalaki na residente ng Baluyan, Batangas.

TAGS: manila, Romblon, Sibuyan, Zamboanga, manila, Romblon, Sibuyan, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.