Agusan del Sur at Zambales magkasunod na niyanig ng lindol
Magkasunod na pagyanig ang naitala sa Agusan Del Sur at sa lalawigan ng Zambales.
Naitala ang magnitude 3.6 na lindol sa Talacogon, Agusan Del Sur alas 7:55 ng umaga ng Martes, Oct. 1.
Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay sa 8 kilometers northeast ng Talacogon.
May lalim na 71 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Samantala, alas 8:02 naman ng umaga nang tumama ang magnitude 3.0 na lindol sa Botolan, Zambales.
Ang epicenter ng lindol ay naitala naman ng Phivolcs sa 8 kilometers northeast ng Botolan.
Ang dalawang lindol ay hindi inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.