Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental ala-1:04 Martes ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 42 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Governor Generoso.
May lalim ang pagyanig na 33 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.