Typhoon Onyok, bahagya pang lumakas; Signal no. 1, nakataas pa rin sa dalawang lugar
Bahagya pang lumakas ang Typhoon Onyok habang tinatahak ang karagatang sakop ng Taiwan.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 320 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes dakong 4:00 ng hapon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong Hilaga sa bilis na 20 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Ayon sa PAGASA, magdudulot ang Typhoon Onyok ng occasional light to moderate na may kasamang intermittent heavy rains sa bahagi ng Batanes.
Hindi pa rin anila ligtas maglayag ang mga maliliit na sasakyang-pandagat sa Northern Luzon.
Ayon sa weather bureau, hindi pa rin inaasahang tatama ang bagyo sa kalupaan ng bansa.
Sinabi ng PAGASA na posibleng tuluyang lumabas ng bansa ang Typhoon Onyok sa pagitan ng Lunes ng gabi at Martes ng madaling-araw
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.