Bantag, handang magbuwis ng buhay para itama ang sistema sa BuCor
Handa si bagong Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag na i-alay ang kaniyang buhay para ituwid ang mga maling sistema sa ahensya.
Sa kaniyang talumpati sa Assumption of Command Ceremony, sinabi ni Bantag na agad niyang tinanggap ang posisyon nang i-alok ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa opisyal, ito ay isang minsanang oportunidad para linisin ang isang hanay na mayroong balikong sistema dulot ng pagpapabaya.
Binanggit din ng BuCor chief ang paghahari-harian, ilegal na transaksyon ng droga at kawalang pakialam ng ilang empleyado na kuntento sa pagtanggap ng payola sa mga preso.
Kasunod nito, katuwang niya ang buong hanay ng BuCor para ibalik ang kaayusan sa ahensya at tiwala ng taumbayan.
Kung hindi pabor sa nais na pagbabago, iginiit ni Bantag na dapat nang umalis sa BuCor.
Itinalaga ng pangulo si Bantag bilang BuCor chief matapos sibakin si Nicanor Faeldon dahil sa kontrobersya sa implementasyon ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.