Re-alignment ng pondo para sa 2020 itinuloy ng Kamara
Itinuloy ng Kamara ang re-alignment ng pondo sa P4.1T 2020 national budget.
Ayon kay House Speaker Alan Cayetano, nagkaroon ng amendments sa National Expenditure Program ng Department of Budget and Management kung saan ang pinakamalaking bahagi ng P9.2B ay mapupunta sa Department of Agriculture.
Sinabi nito na P7B ang para sa pambili ng palay at P500M ay sa quick response fund ng DA.
Tatanggap naman ng karagdagang P800M ang Department of Education habang tig-P200M ang Department of Health at Philippine General Hospital.
Ang DENR ay magkakaroon ng dagdag na pondo na P500M gayundin ang para sa National Electrification at MMDA.
Mayroon din karagdagang P274.95M na ilalaan sa DOTr na gagamitin sa Davao International Airport habang P250M dagdag na pondo ang mapupunta sa Dangerous Drugs Board.
Ibinawas ito para sa right of way claims ng DPWH at sa nakatakda sang barangay at SK elections sa Mayo ng susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.