Pagpapaliban sa Brgy at SK elections lusot na sa Senado

By Den Macaranas September 30, 2019 - 04:35 PM

Inquirer file photo

Pinagtibay na sa third and final reading sa Senado ang panukala para sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa susunod na taon.

Sa pamamagitan ng  21 affirmative votes, zero negative votes, at zero abstention ay lumusot ang Senate Bill No. 1043 para sa postponement ng Brgy at SK elections at gawin na lamang ito sa December 5, 2022.

Dahil dito ay otomatikong mabibigyan ng extension ang pamumuno ng mga kasalukuyang SK at Barangay officials.

Nauna nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na madaliin ang pagsasabatas sa pagpapaliban sa nasabing halalan.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang Malacanang sa naging tugon ng mga mambabatas sa panawagan ng pangulo.

TAGS: barangay, Congress, duterte, final reading, Sangguniang Kabataan Elections, Senate, barangay, Congress, duterte, final reading, Sangguniang Kabataan Elections, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.