Mga humabol sa huling araw ng voters registration dagsa sa Comelec offices
Pinilahan ng publiko ang mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong huling araw ng pagpaarehistro.
Dumagsa sa Comelec offices ang mga last minute na magpaparehistro matapos ianunsyo ng Comelec na hindi na palalawigin pa ang registration.
Sa local Comelec office sa Valenzuela City, umabot sa MacArthur Highway ang pila mula sa bahagi ng CJ Santos Street.
Sa Maynila, dagsa din ang mga humabol sa pagpaparehistro sa Comelec Office sa Arroceros.
Maaga pa lamang siksikan na ang mga hahabol sa huling araw ng registration sa Arroceros.
Nagsimula ang registration noong August 1 at ngayong araw magtatapos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.