Magkakasunod na pagyanig naitala sa Davao Occidental
Nakapagtala ng magkakasunod ng aftershocks sa Jose Abad Santos, Davao Occidental umaga ng Biyernes (Sept. 30).
Ayon sa Phivolcs alas 5:19 ng umaga naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa 120 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos.
33 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Alas 6:16 naman ng umaga nang tumama ang magnitude 3.0 na lindol sa 138 kilometers southeast ng Jose Abad Santos.
34 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic din ang pinagmulan.
At alas 8:28 ng umaga ay naitala naman ng Phivolcs ang magnitude 3.3 sa 125 kilometers southeast ng nasabi pa ring bayan.
48 kilometers ang lalim ng ikatlong pagyanig.
Ang tatlong magkakasunod na pagyanig ay aftershocks ng magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Davao Occidental noong Sept. 29.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.