Bulacan nakararanas ng malakas na buhos ng ulan – PAGASA
By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2019 - 09:02 AM
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang nararanasan sa lalawigan ng Bulacan.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 8:42 ng umaga ng Lunes, Sept. 30 ang naturang lalawigan ay makararanas ng hanggang malakas na buhos ng ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin sa susunod na dalawang oras.
Ganitong lagay ng panahon din ang umiiral sa Morong, Balanga, Orion, Pilar at Bagac sa Bataan.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat sa epekto ng nararanasang malakas na pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.