Libreng Sakay ipinagkaloob din sa mga pasahero sa mga lalawigan sa Luzon na apektado ng strike
May “Libreng Sakay” din ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa mga lalawigan na apektado ng tigil-pasada.
Ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang mga larawan na nagpapakita ng sitwasyon sa mga lalawigan na mayroong tigil-pasada.
Sa Angeles City, Pampanga, nag-deploy ang LTFRB Region 3 ng Libreng Sakay Buses sa rutang Angeles-San Fernando.
Ito ay sa rutang San Fernando to Macabebe
at SM Pampanga to Lubao.
Sa Nueva Ecija at Tarlac sa pag-uumpisa ng rush hour sinabi ng DOTr na naging normal ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay LTFRB Region 3 Director Ahmed Cuizon, nagtalaga din ang mga lokal na pamahalaan ng Libreng Sakay para serbisyuhan ang mga pasahero.
Sa Dagupan City, Pangasinan naman, bigo ang mga transport group na kumbinsihin ang mga driver na sumali sa tigil pasada.
Sapat ang bilang ng mga pampasaherong jeep na bumiyahe sa lungsod, Lunes ng umaga. (END.DD)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.