Panelo: US Senator Leahy ‘ignorante’ sa criminal procedures ng Pilipinas
Binanatan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo si US Senator Patricky Leahy at sinabing wala itong alam sa criminal procedures ng bansa.
Magugunitang inaprubahan ng US Senate panel ang panukala nina Leahy at Sen. Dick Durbin na ipagbawal ang pagpasok ng mga opisyal ng Pilipinas na nasa likod ng umano’y ‘political motivated’ na pagpapakulong kay Sen. Leila De Lima.
Sa isang statement araw ng Linggo, idinepensa ni Panelo ang pag-aresto at pagkulong kay De Lima at sinabing nasunod ang due process sa kaso nito.
“For the enlightenment of Senator Leahy, there would been abuse in the case of Senator De Lima if she was formally charged without the existence of a probable cause and if she was arrested without a warrant of arrest or if a warrant of arrest was issued by a judge without a finding of probable or if during the preliminary investigation she was not afforded the opportunity to submit countervailing evidence in her behalf,” ani Panelo.
Iginiit pa ng kalihim na hindi naman nakaapak sa Pilipinas si Leahy para personal na mapag-aralan ang kaso ni De Lima kaya’t wala itong sapat na basehan para sa kanyang panukala.
Ayon pa kay Panelo, kung may totoong pag-abuso man, ito ay ang maling paratang ni Leahy laban sa mga opisyal ng Pilipinas.
“When Senator Leahy speaks of abuse he must be referring to his abuse of his freedom of expression, as he waxes a false and malicious narrative against our government officials with unparalleled arrogance and without a glint of remorse,” dagdag ni Panelo.
Samantala, binatikos din ni Panelo ang pahayag ni Leahy ukol sa ibinibigay na ayuda ng US sa Pilipinas.
Ayon sa kalihim, ang pagbibigay ng ayuda ay hindi uri ng pakikialam sa soberanya kundi ibinibigay ito ng isang estado dahil sa ugnayan at pakikipagkaibigan.
“Giving aids or grants is not a form of sovereign interference. They are given by a state to another by reason of comity and friendship. The Philippines welcomes them,” ani Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.