Malacañang hindi papatinag sa nationwide transport strike

By Rhommel Balasbas September 30, 2019 - 03:58 AM

Hindi pasisindak ang Palasyo ng Malacañang sa nakakasang nationwide transport strike ngayong araw para tutulan ang modernisasyon ng public transportation system sa bansa.

Sa pahayag araw ng Linggo, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ‘long overdue’ na ang pagpapaganda sa public transport system.

Ayon kay Panelo, masigasig ang pamahalaan na ibigay sa mga mamamayan ang maginhawa at maayos na pampublikong transportasyon.

“The modernization of the public transport ­system is long overdue and the Duterte admi-nistration will not be intimida-ted nor cowed by threats of protests and strikes coming from those who only think of their owned parochial interest. This administration is ­committed to serve the paramount interest of the citizens for convenient and accessible public transportation,” ani Panelo.

Bagaman hindi pipigilan ang mga driver at operator ng mga public utility vehicles (PUVs) na lumahok sa strike, hinikayat ang lahat para sa peaceful assembly at huwag gumawa ng anumang karahasan na maglalagay sa kaligtasan ng publiko sa alanganin.

“While we will not dissuade the drivers and operators of public utility vehicles to join the proposed nationwide protest tomorrow, September 30, we caution them, however, to assemble peacefully and not perform acts of violence that will endanger the safety of the general public,” dagdag ni Panelo.

Tiniyak pa ng kalihim na isktriktong ipatutupad ang mga batas kabilang ang kanselasyon ng mga prangkisa kung may mga lalabag.

Inatasan ni Panelo ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno para sa activation ng Joint Quick Response Team (JQRT) on Transportation.

Layon nitong tulungan ang mga maaapektuhan ng strike.

TAGS: nationwide transport strike, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, PUV modernization program, nationwide transport strike, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, PUV modernization program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.