P37-M road project ng DPWH sa Isabela, matatapos na

By Ricky Brozas September 29, 2019 - 12:50 PM

Malapit nang matapos ang konstruksiyon ng 970-meter access road project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) patungo sa tourist destination sa Santiago City, Isabela.

Ayon kay Secretary Mark Villar, inaasahang sa darating na buwan ng Oktubre ay matatapos ang 75.23 percent ng proyekto.

Layon aniya nito na mapapalakas ang turismo sa Santiago City at magpaangat sa ekonomiya nito.

Nabatid na tuwing Holy Week ay dinarayo ng mga namamanata ang Dariuk Hills kung saan nakatayo ang naglalakihang Stations of the Cross na nakalagay sa mga burol patungo sa kapilya, ang Church of Transfiguration, sa tuktok.

Ang pondong P37 milyon na inilaan sa proyekto ay nasa ilalim ng DPWH 2018 Regular Infrastructure Program at kasama rin dito ang pagsasaayos ng mga bangketa at paglalagay ng proteksiyon sa mga slope.

TAGS: DPWH, isabela, Santiago City, DPWH, isabela, Santiago City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.