Lacson: Senado bibigyan ng security si Magalong kapag humiling ito
Kapag hiniling nito ay posibleng bigyan ng Senado ng security si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, maaaring bigyan nila si Magalong ng augmentation security o dagdag na sa bodyguard nito bilang alkalde.
Ang posibleng hakbang ay sa gitna ng imbestigasyon ng Senado sa isyu ng “ninja cops” na mga pulis na umanoy sangkot sa drug recycling.
Sinabi naman ni Lacson na dapat sumalang sa kanilang imbestigasyon sa Martes, October 1 ang mga pulis na sangkot sa “agaw-bato” scheme.
Makakabuti anya na mayroong venue ang tinaguriang ninja cops para masagot nila ang alegasyon laban sa kanila.
Samantala, sinabi ni Senator Richard Gordon na nagpadala na ang kanyang komite ng summon para sa mga sangkot sa isyu.
Layon anya ng hakbang na mailagay na sa hurisdiksyon ng Senado ang mga pulis na umanoy nasa likod ng drug recycling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.