15 baboy sa Pangasinan mayroong African Swine Fever

By Len Montaño September 28, 2019 - 10:30 PM

Kinumpirma ng mga opisyal sa Pangasinan na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang 15 mula sa 60 na baboy na ipinasok sa lalawigan mula sa Bulacan.

Ang anunsyo ay batay sa samples na nakuha sa mga baboy na galing sa bayan ng Bustos.

Ayon kay Pangasinan Governor Amado Espino III, umiwas ang magbababoy sa animal quarantine checkpoint na ipinapatupad sa mga entry points sa probinsya.

Nabatid na dumaan ang magbababoy sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan dala ang mga baboy mula Bulacan.

Nakarating ang mga baboy sa bayan ng Mapandan.

Idineklarang ground zero ng ASF ang Barangay Baloling sa Mapandan.

Ayon sa otoridad, inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa magbababoy.

Samantala, nagpatupad ng ilang hakbang hanggang sa 10 kilometro ng barangay para matugunan ang epidemya.

Nagsagawa na rin ng culling o pagpatay sa mga baboy na tinamaan ng ASF.

 

TAGS: 15 baboy, African Swine Fever, Barangay Baloling, Bulacan, Bustos, culling, ground zero, Mapandan, pangasinan, Pangasinan Governor Amado Espino III, positibo, quarantine, 15 baboy, African Swine Fever, Barangay Baloling, Bulacan, Bustos, culling, ground zero, Mapandan, pangasinan, Pangasinan Governor Amado Espino III, positibo, quarantine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.