Magkapatid na bata, patay sa bugbog sa India

By Marlene Padiernos September 28, 2019 - 05:29 PM

Dead on arrival ang magkapatid na batang kinilala bilang sina Roshni Valmiki, 12 anyos, at ang kapatid nitong si Avinash, 10 anyos.

Sa imbestigasyon ng mga pulis sa India, binugbog umano sa palo gamit ang stick ang magkapatid hanggang sa mamatay nang makita sila ng mga residente na dumudumi sa kalsada ng Bhakhedi village sa Shivpuri City, India.

Ayon kay local police deputy superintendent Viren Singh, agad nilang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawa ngunit sa kasamaang palad ay agad din silang binawian ng buhay sa byahe.

Sinabi ng opisyal na mahigpit talagang ipinagbabawal sa nasabing lugar ang pagdumi sa kalsada.

Samantala, ipinaabot naman ng mga otoridad sa pamilya ng mga biktima ang kanilang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 60,000 rupees ($845) na maaari nilang gamiting panggastos sa pagpapalibing habang sa 400,000 rupees ($5,600) ang natanggap ng mga ito mula sa gobyerno sa ilalim ng isang batas ng India bilang compensation sa nangyaring insidente.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.

TAGS: Bhakhedi village sa Shivpuri City, binugbog sa palo hanggang sa mamatay, dumumi sa kalsada, India, Bhakhedi village sa Shivpuri City, binugbog sa palo hanggang sa mamatay, dumumi sa kalsada, India

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.