Pila ng mga deboto ng Poong Nazareno sa Quirino Grandstand, umabot na sa Roxas Blvd
Mula nang buksan kagabi para sa tradisyunal na ‘pahalik’ sa Quirino Grandstand ang Poong Nazareno ay patuloy ang pagdagsa ng mga deboto.
Alas 6:00 pa ng gabi kagabi nang buksan para sa mga deboto ang pila para sa ‘pahalik’ na nagtuloy-tuloy na hanggang sa mga oras na ito.
Mula sa Quirino Grandstand ay umabot na sa Roxas Boulevard ang dulo ng pila.
Ayon sa mga organizers, as of 5AM ngayong araw (Biyernes) umabot na sa 12,000 katao ang nakahalik sa Poong Nazareno.
Bagaman tuloy-tuloy ang usad ng pila para sa ‘pahalik’ ay halos hindi nababawasan ang haba ng pila dahil sa patuloy na pagdating ng mga deboto.
Sa kaliwang bahagi ng Quirino Grandstand o sa gilid ng US Embassy ang simula ng pila at sa kanang bahagi naman o sa side ng Manila Hotel lalabas ang mga nakahalik na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.