LOOK: Pia Wurtzbach, nagdiwang ng kaarawan sa Indonesia

By Angellic Jordan September 27, 2019 - 11:44 PM

Ipinagdiwang ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kaniyang ika-30 kaarawan sa Bali, Indonesia.

Gamit ang kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Pia ang mga larawan ng pagbabakasyon sa iba’t ibang isla sa nasabing bansa.

Makikita sa mga larawan na stunning pa rin si Pia sa kaniyang white bikini.

Ayon kay Pia, masaya siyang ipagdiwang ang kaarawan kasama ang malalapit na kaibigan.

Ang ilan pa aniya sa mga ito ay lumipad pa mula sa London papuntang Indonesia para lamang makasama sa kaniyang selebrasyon.

Nakasama rin ni Pia ang dalawang pinsan at dalawang pageant sisters sa Binibining Pilipinas.

TAGS: 30th birthday, Bali, indonesia, Pia Wurtzbach, 30th birthday, Bali, indonesia, Pia Wurtzbach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.