US Senate bill na magpapatupad ng ban sa mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa pagkakakulong ni Sen. De Lima inaprubahan na

By Angellic Jordan September 27, 2019 - 05:23 PM

Inaprubahan ng United States Senate panel ang panukalang pagbabawal na makapasok ng Amerika ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na sangkot sa pagkakakulong kay Senadora Leila de Lima.

Sa Twitter, inihayag ni U.S. Senator Richard Durbin na welcome siya sa pag-apruba ng Senate appropriations committee na amyendahan ang panukala kasama si Senator Patrick Leahy sa Fiscal Year 2020 State and Foreign Operations Appropriations Bill.

Aniya, layon nitong pagbawalan ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na mapapatunayang sangkot sa umano’y “politically motivated imprisonment” kay De Lima.

Iginiit pa nito na dapat nang palayain ang senadora.

Matatandaang dati nang hinikayat ni Durbin ang pamahalaan ng Pilipinas na palayain na si De Lima sa pamamagitan ng inilabas na resolusyon kasama ang apat pang senador.

TAGS: leila de lima, Senate appropriations committee, U.S. Senator Richard Durbin, United States Senate panel, leila de lima, Senate appropriations committee, U.S. Senator Richard Durbin, United States Senate panel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.