Pagkalason sa pagkain ng 39 na manggagawa ng POGO sa Cavite, iimbestigahan ng PNP
Magsasagawa ng imbestigasyon ang Kawit police makaraang mabiktima ng food poisoning ang nasa 39 na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Nagtatrabaho ang mga dayuhan sa isang POGO hub sa dating Island Cove resort sa Kawit, Cavite.
Sa isang panayam, sinabi ni Police Maj. Richard Corpuz, hepe ng Kawit police, na iniimbestigahan na ng kanilang hanay kung saan nanggaling ang pagkaing dinala sa mga ito.
Libu-libo aniya ang empleyado sa nasabing lugar ngunit 39 lamang ang naapektuhan nito.
Nagsimulang dumaing ng pananakit ng tiyan ang mga empleyado dahilan para itakbo ang mga ito sa ospital.
Lumabas naman sa inisyal na pagsusuri ng mga doktor na posibleng food poisoning ang rason ng kondisyon ng mga dayuhan.
Samantala, labing-siyam sa mga dayuhan ay nakalabas na ng ospital habang ang dalawampung iba pa ay patuloy pa ring ginagamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.