Ilang lalawigan sa Luzon makararanas ng pag-ulan ayon sa PAGASA
Asahang uulanin ang ilang lalawigan sa Luzon ngayong Biyernes ng hapon.
Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang ala 1:40 ng hapon, mararanasan ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Bataan, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Maliban sa mga nabanggit na lugar, apektado rin ng pag-ulan ang Zambales partikular ang Botolan, San Marcelino, Cabangan, Castellijos, Subic, Olongapo at San Narciso.
Kaparehong sama ng panahon din ang mararanasan sa Magallanes, General Emilio Aguinaldo, Maragondon at Alfonso sa Cavite; Porac sa Pampanga.
Pinayuhan ng weather bureau ang mga residente sa lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.