Isang bayan sa Bohol isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño
By Dona Dominguez-Cargullo September 27, 2019 - 09:42 AM
Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Candijay sa lalawigan ng Bohol.
Labis kasing naapektuhan ng El Niño ang mga pananim sa naturang bayan.
Simula buwan ng Enero naapektuhan na ng tagtuyot ang bayan ng Candijay at nasa 2,000 magsasaka ang apektado.
Layon ng deklarasyon ng state of calamity na magamit ang emergency fund upang matulungan ang mga magsasaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.