Water level ng Angat dam muling bumaba sa 190-meter level
Bumaba na muli sa 190-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.
Ayon sa datos ng PAGASA Hydrology Division, nasa 190.90 meters ang water level ng Angat dam alas 6:00 ng umaga ng Biyernes (Sept. 27).
Nabawasan ito kumpara sa 191.20 meters kahapon.
Samantala, nabawasan din ang water level sa Ipo dam at La Mesa dam na ngayon ay nasa 100.96 meters at 78.52 meters.
Ang antas naman ng tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, at Pantabangan ay pawang nadagdagan.
Habang nabawasan naman ang water level sa Magat at Caliraya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.