CHR-Cordillera nagsasagawa ng sariling imbestigasyon sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio
Naglunsad na rin ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) – Cordillera sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.
Sa isang pahayag, kinondena ni CHR-Cordillera regional director Atty. Rommel Daguimol ang pagkamatay ni Dormitorio.
Tinawag ni Daguimol ang insidente bilang kawalang respeto sa karapatang mabuhay.
Ikinalungkot ng CHR-Cordillera na marami pa rin ang gumagawa ng karumal-dumal, hindi makatao at iligal na initiation rites o paraan ng pagdisiplina sa ilang military training institutions sa kabila ng pagpasa sa mas istriktong anti-hazing law.
Umapela si Daguimol sa pamahalaan na tiyaking maibibigay sa pamilya Dormitorio ang hustisya sa pamamagitan ng mabilis at mahusay na imbestigasyon at pagpapanagot sa mga nasa likod ng krimen kahit pa ang ilan sa mga ito ay makapangyarihan.
Nanawagan din ang CHR-Cordillera sa PMA na magpatupad ng tunay na reporma sa mga polisiya at panuntunan para sa pagtaguyod sa rule of law at karapatang pantao ng mga sinasanay na lingkod-bayan.
Umaasa ang CHR-Cordillera na ang pagkamatay ni Dormitorio ay ang huling insidente na ng maling tradisyon sa loob ng PMA.
Samantala, pormal nang nakapagbigay sa PMA ng request letter ang CHR investigastors para sa mga dokumentong kakailanganin sa kanilang moto propio investigastion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.