Prangkisa ng 20 jeepney operators, kinansela ng LTRFB

By Angellic Jordan September 26, 2019 - 09:29 PM

Kanselado na ang prangkisa ng nasa 20 jeepney operators na nakiisa sa ikinasang transport strike noong taong 2017.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Martin Delgra III, chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ito ay base sa memoramdum circular no. 2011-04 kung saan nakasaad na maaaring bawiin ang prangkisa ng sinumang lalahok sa mga programa na makakaapekto sa mga pasahero.

Ani Delgra, lumabag ang mga PUV operator at driver sa nasabing batas.

Sinabi pa nito na hindi mag-aatubili ang ahensya sa pagpapatupad ng batas dahil hindi inalala ng mga ito ang kapakanan ng mga pasahero.

Ang nasabing transport strike ay pinangunahan ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Samantala, inatasan na ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang LTFRB na pananagutin ang mga PUV operator na makikiisa sa isasagawang transport strike sa araw ng Lunes, September 30.

Pangungunahan ng PISTON at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) ang transport strike para ihayag ang pagtutol sa PUV modernization program ng gobyerno.

TAGS: jeepney operator, ltfrb, prangkisa, transport strike, jeepney operator, ltfrb, prangkisa, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.