15 milyong deboto, inaasahang dadalo sa Traslacion

By Kathleen Betina Aenlle January 08, 2016 - 04:28 AM

 

Inquirer file photo

Inaasahan ng Philippine Red Cross (PRC) na papalo sa 15 milyon, o triple ng naitalang bilang noong nakaraang taon, ang mga taong dadalo sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Sabado, January 9.

Dahil sa pangkaraniwang eksena ng mga hinihimatay, nasusugatan, natatapakan at naiipit na mga deboto dahil sa hindi mahulugang karayom na dami ng tao sa prusisyon, maigi nang pinaghahandaan ng PRC ang Traslacion ngayon.

Magpapakalat sila ng 400 tauhan, kasama na ang 20 ambulansya at iba pang mga rescue vehicles para matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.

Magkakaroon rin ng 18 first-aid stations sa kahabaan ng rutang dadaanan ng prusisyon na makikita sa Quirino Grandstand, Museo Pambata, Katigbak, Aquino Monument, National Museum, Santa Cruz Church, at Isetann Recto.

Magkakaroon rin sila ng emergency field hospital sa Bonifacio Shrine malapit sa City Hall.

Kasado na rin ang mga paghahanda ng Philippine National Police (PNP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Armed Forces of the Philippines (AFP).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.