Sen. Lacson, tumangging isiwalat ang source ukol sa umano’y isiningit na pork barrel sa 2020 budget

By Angellic Jordan September 26, 2019 - 08:27 PM

Tumanggi si Senator Panfilo “Ping” Lacson na isiwalat ang kaniyang mga source ukol sa umano’y isiningit na pork barrel sa 2020 national budget.

Ito ang naging tugon ni Lacson matapos hikayatin nina House Majority Leader Martin Romualdez at Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro na ilabas ang pagkakakilanlan ng kaniyang source kaugnay sa mga akusasyon.

Sa panayam sa media, iginiit din ni Lacson na hindi siya hihingi ng tawad dahil binabantayan lamang aniya niya ang pondo ng bansa.

Bwelta pa nito, ang dapat humingi ng tawad ay ang mga kongresista na wala aniyang tigil at walang kahihiyan sa pag-abuso sa pondo ng bansa.

Matatandaang inihayag ni Lacson na mayroong tig-P1.5 bilyon ang bawat isa sa 22 deputy speakers ng Kamara sa 2020 budget.

TAGS: 2020 national budget, Kamara, pork barrel, Sen. Ping Lacson, 2020 national budget, Kamara, pork barrel, Sen. Ping Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.