Scarborough Shoal, hindi hahayaan ni Pangulong Duterte na makamkam ng China

By Chona Yu September 26, 2019 - 07:03 PM

Inquirer file photo

Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang makamkam ng China ang Scarborough Shoal.

Tugon ito ng Palasyo ng Malakanyang sa pahayag ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na aangkinin ng China ang Scarborugh Shoal bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa taong 2022.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kailanman ay hindi hahayaan ni Pangulong Duterte na salakayin ang soberenya ng Pilipinas.

Final at binding at hindi na maaring iapela ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration na hindi kinikilala ang nine dash claim ng China sa South China Sea.

“Can you read the mind of the Chinese government? We don’t know, hindi natin alam kung—but definitely gaya ng sinasabi in Presidente, I will not allow during my incumbency any assault on our sovereignty. That arbitral ruling is final, binding and not subject to appeal. Iyon ang sabi niya eh,” pahayag ni Panelo.

Ang problema kay Carpio, ayon kay Panelo, ay puro espekulasyon ang nasa utak ng mahistrado.

Anumang aktibidad aniya ng China sa teritoryo ng Pilipinas ay hindi katanggap-tanggap sa pamahalaan at maaring maghain ng diplomatic protest.

TAGS: China, permanent court of arbitration, Pilipinas, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, scarborough shoal, South China Sea, China, permanent court of arbitration, Pilipinas, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, scarborough shoal, South China Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.