Diphtheria hindi mauuwi sa outbreak ayon sa Palasyo ng Malakanyang

By Chona Yu September 26, 2019 - 04:42 PM

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na under control ng Department of Health ang paglaganap ng sakit na diphtheria.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, base sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Health Secretary Francisco Duque, malabong mauwi sa outbreak ang diphtheria.

Ani Panelo, “Kausap ko si Sec. Duque nung isang araw ang sinasabi niya the situation is under control. Merong mga programa sa vaccination all over the country kahit sa mga barangay meron tayo.”

May mga vaccination program aniya na ginagawa ang DOH hanggang sa barangay level.

Dagdag pa ni Panelo, “Ako naniniwala ako na ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang pangalagaan ang kalusugan ng sambayanang Pilipino.”

Tiniyak pa ni Panelo na ginagawa ni Duque ang lahat ng kanyang makakaya para mapangalagaan ang kalusugan ng sambayanang Pilipino.

Ang diphtheria ay sakit sa lalamunan na nakahahawa at maaaring maging sanhi ng kamatayan.

Bukod sa diphtheria, nahaharap din ngayon ang pilipinas sa problema sa polio, dengue, african swine fever at iba pa.

TAGS: African Swine Fever, Dengue, department of health, diphtheria, Health Secretary Francisco Duque, Polio, Presidential spokesman Salvador Panelo, African Swine Fever, Dengue, department of health, diphtheria, Health Secretary Francisco Duque, Polio, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.