1 patay, halos 200 timbog sa tatlong araw na police operations sa Quezon
Patay ang isang drug personality habang halos 200 iba pang suspek ang naaresto sa ikinasang tatlong araw na police operations sa probinsya ng Quezon.
Batay sa ulat, sinabi ni Quezon police director Col. Audie Madrideo na isinagawa ang operasyon sa dalawang lungsod at 39 bayan sa probinsya mula September 21 hanggang 23, 2019.
Nasawi ang isang hinihinalang tulak ng droga na si Ricardo Villarante matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa Lucena City noong September 23.
Nakuha naman ng mga otoridad sa mga operation ang 37.27 na gramo ng shabu na nagkakahala ng P205,000.
Maliban dito, narekober din sa mga nahuling suspek ang 2,435.5 na gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P133,947.
Ayon sa pulisya, naaresto ang siyam na suspek dahil sa kasong paglabag sa illegal firearms, tig-20 sa illegal gambling at illegal fishing, apat sa illegal logging, 10 sa illegal cutting ng mga puno ng buko at 11 sa iba’t ibang ordinansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.