Fil-Am movie nakuha ang Best Feature award sa world indie film fest

By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2019 - 12:37 PM

Naiuwi ng Filipino-American movie na “The Year I Did Nothing” ang Best Narrative Feature award sa katatapos lamang na 2019 World’s Independent Film Festival (TWIFF).

Inanunsyo ito ng TWIFF sa kanilang official website.

Bahagi rin ng festival ang premiere ng “The Year I Did Nothing” sa San Francisco, California na magaganap sa September 28 at 29 sa New People Cinema.

Hindi ito ang unang international recognition para sa nasabing pelikula dahil noong May 2019 ay naiuwi nito ang Best Drama Award sa 2019 Independent Filmmakers Showcase (IFS) Film Festival.

Ang pelikula ay isinulat ng Fil-Am director na si Anna Barredo at pinalabas na ang setting ng pelikula ay taong 1985 dito sa Pilipinas.

Kwento ito ng tatlong magkakapatid sa Pilipinas na naghihintay na sila ay makapunta sa Amerika.

Ayon kay Barredo, sa Los Angeles kinunan ang pelikula pero pinalitaw na ang mga eksena ay dito sa Pilipinas.

Katunayan kinailangan pa nila noong magrenta ng jeep na noong panahon na iyon ay mayroon lamang 10 jeep na sa iba’t ibang lugar ng USA.

Taong 2003 nang isulat ni Barredo ang script ng kwento.

Taong 2018 nang magpasya siyang gawin na itong pelikula.

TAGS: Best Feature award, Fil-Am movie, The Year I Did Nothing, Best Feature award, Fil-Am movie, The Year I Did Nothing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.