Morale ng mga tauhan ng PNP apektado ng isyu sa ‘ninja cops’
Aminado si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde kahit papaano ay naaapektuhan ang morale ng mga pulis sa kontrobersiya hinggil sa “ninja cops”.
Ani Albayalde, mayorya ng pambansang pulisya ay maayos na nagtatrabaho kaya hindi maiiwasang maapektuhan sila ng usapin.
“I think kahit papaano the PNP here is affected dahil alam naman natin na majority of us are really working hard,” Ayon kay Albayalde
Pero kahit naaapektuhan sinabi Albayalde na hindi naman ito nagdudulot ng pagbaba ng morale ng mga pulis.
Patuloy din aniya nilang gagampanan ang kanilang tungkulin sa PNP.
Ani Albayalde ang mga ganitong isyu ay bahagi ng public service.
At bilang mga manggagawa sa gobyerno ay kailangan silang maging matatag at handang harapin ang mga kontrobersiyang ibabato sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.