Konstruksyon ng bagong gusali ng PNU sisimulan na
Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng bagong gusali ng Philippine Normal University (PNU) sa Taft Avenue sa Maynila.
Ang bagong gusali ang magiging Teachers Education Heritage Campus Laboratory ng unibersidad.
Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, naisagawa na ang ground-breaking ceremony para sa itatayong bagong gusali ng PNU na kapapalooban din ng dagdag na silid-aralan.
Ani Villar, itatayo ang anim na palapag na gusali na mayroong roof deck at basement at matatapos ang ito sa June 2020.
Pinaglaanan ito ng P159-million sa ilalim ng 2018 General Appropriations Act (GAA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.