Photojournalist nabiktima ng Salisi Gang, dalawang suspek arestado

By Jong Manlapaz September 26, 2019 - 08:19 AM

Arestado ang dalawang lalaki dahil sa kasong pagnanakaw.

Base sa rekord ng La Loma Police Station, kinilala ang dalawang suspek na sina Jello Argote, 18 anyos at Mark Kevin Bañares, 26 anyos.

Nabawi naman sa dalawa ang mga ninakaw nilang gamit na kinabibilangan ng:

a. 1 unit ng Asus laptop
b. 2 piraso ng power bank
c. 3 external hard drive
d. 1 unit ng Samsung J2 cellular phone

Base sa imbestigasyon, nagsumbong sa himpilan ng La Loma Police ang biktima na si Arturo Son, 58 anyos.

Pinasok umano ng dalawang lalaki ang kaniyang bahay at nakuha ang mga gamit.

Sa follow-up operation, nahuli ang dalawa sa bahay ng mga ito sa Ragang Street, Barangay Manresa, Quezon City.

TAGS: Barangay Manresa, la loma police, quezon city, Robbery, Salisi Gang, theft, Barangay Manresa, la loma police, quezon city, Robbery, Salisi Gang, theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.