Pito arestado sa sinalakay na drug den sa Baesa, Quezon City; nasa P1M halaga ng shabu ang nakumpiska
Arestado ang pitong katao sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – National Capital Region (NCR) sa Baesa, Quezon City.
Unang pinuntahan ng mga otoridad ang isang hinihinalang drug den sa loob ng isang Subdivision sa Baesa Road kung saan nahuli ang isang lalaking nagpapatakbo ng drug den.
Naaresto din ang apat niyang parokyano na pawang nadatnan sa lugar.
Nakuha sa kanila ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na mayroong street value na P340,000.
Sa isinagawang follow-up operation sa kalapit lang na lugar, naaresto ang dalawa pang kasamahan ng mga suspek.
Nakuhanan naman sila ng 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P680,000 ang halaga.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.