Operasyon ng Zamboanga Airport tatlong oras na ihihinto sa Sabado para sa emergency exercise
By Dona Dominguez-Cargullo September 26, 2019 - 06:08 AM
Tatlong oras na ititigil ang operasyon ng Zamboanga Airport sa Sabado, Sept. 28.
Isasara sa lahat ng commercial flights ang paliparan mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga.
Ito ay para sa gagawing Full Scale Mock Emergency Exercise.
Bahagi ng drill ang pagsunog sa isang mock aircraft rerespondehan ng emergency vehicles.
Pinayuhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang publiko na maging mahinahon at huwag mag-panic sa kasagsagan ng drill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.