Northeasterly surface windflow nakakaapekto pa rin sa Northern Luzon

By Rhommel Balasbas September 26, 2019 - 05:05 AM

Ang northeasterly surface windflow pa rin o hangin na galing sa Hilagang-Silangan ang nakakaapekto sa Northern Luzon.

Sa 4am weather update ng PAGASA, sinabi ni weather specialist Gener Quitlong na ang naturang weather system ay hudyat na malapit na ang pagsisimula ng hanging Amihan.

Dahil sa northeasterly surface windflow, ang mga lalawigan ng Batanes, Isabela, Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands ay makararanas ng maulap na kalangitan na may posibilidad ng pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay makararanas ng maalinsangang panahon na may mga pag-ulan lamang na dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, ang binabantayan namang shallow low pressure area (LPA) ay huling namataan sa layong 955 kilometro Silangan Hilagang Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Walang epekto ang shallow LPA sa bansa at posibleng malusaw na sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Walang nakataas na gale warning sa anumang bahagi ng bansa at malayang makapaglalayag ang anumang sasakyang pandagat.

TAGS: Northeasterly Surface Windflow, Pagasa, shallow low pressure area (LPA), Northeasterly Surface Windflow, Pagasa, shallow low pressure area (LPA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.