Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese sa bansa na mag-behave.
Sa talumpati ng pangulo sa Golden Topper Corporate launch sa Parañaque City, sinabi nito na dapat na sumunod sa mga batas sa Pilipinas ang mga Chinese.
Pagtitiyak ng pangulo, walang mang-iistorbo sa mga Chinese kung susunod lamang sa mga patakaran at batas ng Pilipinas.
“I just want everybody to behave. I also expect that behavior from you. There are rules to be followed. Just obey the rules. Nobody is going to disturb you,” pahayag ng pangulo.
Pakiusap ng pangulo sa mga Chinese, kapag nabiktima ng pang-aabuso o pangingikil, huwag silang mag-atubili na magtungo at magsumbong sa kanya sa Malakanyang.
Hindi na bale aniya kung dis-oras ng gabi o maistorbo sa kanyang pagtulog dahil isa itong paraan para matulungan ang bansa na malabanan ang korupsyon sa pamahalaan.
Pagtitiyak ng pangulo, parurusahan niya ang mga kawani ng gobyerno na masasangkot sa korupsyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.