Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na sampung Pilipino ang nabigyan ng clemency ng pamahalaan ng Qatar noong nakaraang buwan.
Ayon sa DFA, iginawad ang clemency sa mga OFW ni Sheik Tamim bin Hamad Al Thani, ang emir ng Qatar.
Iginawad ito kasabay ng National Day ng Qatar noong December 18.
Kabilang sa mga napatawad sa kanilang mga krimeng nagawa ang siyam na lalake at isang babaeng Pinoy.
Kalimitang nagbibigay ng clemency ang Emir ng Qatartuwing panahon ng Ramadan at sa pagtatapos ng taon, habang ipinagdiriwang ang kanilang National Day.
Sa kasalukuyan, pinoproseso na ng Kagawaran ang pagpapabalik sa bansa ng mga napatawad na Pinoy.
Ang DFA ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan na sa Search and Follow-up Deparmtnet sa ilalim ng Ministry of Interior ng Qatar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.