100 pamilya apektado ng sunog sa Las Piñas

By Angellic Jordan September 25, 2019 - 11:44 PM

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Las Piñas City, Miyerkules ng hapon.

Batay sa datos ng pamahalaang lokal ng Las Piñas, nagsimula ang sunog sa bahagi ng Chua Compound, Naga Road sa Barangay Pulang Lupa Uno bandang 1:00 ng hapon.

Agad rumesponde ang mga bumbero sa lugar dahilan para tuluyang maapula ang apoy dakong 3:00 ng hapon.

Sa paunang ulat, mahigit 100 pamilya ang apektado ng sunog.

Pansamantalang nananatili ang mga apektadong residente sa isang covered court sa bahagi ng Mapayapa Village.

Kasunod nito, agad ipinag-utos ni Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ang pagpapadala ng emergency services sa mga biktima.

Namahagi ang Las Piñas City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng ilang pangangailangan ng mga biktima tulad ng kumot, banig, bigas, at pagkain.

Maglalagay din ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng mga modular tent sa evacuation center para magamit ng mga biktima.

 

 

 

 

TAGS: 100 pamilya, las pinas, Pulang Lupa Uno, residential area, sunog, 100 pamilya, las pinas, Pulang Lupa Uno, residential area, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.